CHASKA, Minnesota (AP) — Kung plano ni Davis Love III na itaas ang morale ng US Team, tila hindi naman nito napukaw ang interest ng karibal na Europe sa Ryder Cup sa kanyang “Best golf team maybe ever assembled” na pahayag.

Ginawang katatawan ni dating world No.1 Rory McIlroy ang naturang pahayag na binigyan niyang bagong pamagat na ‘ best Ryder Cup Task Force ever assembled’.

“Whenever we are going up against one of the greatest teams ever assembled, that’s motivation enough,” pahayag ni McIlroy.

Iginiit naman ni NBC Sports analyst Johnny Miller na may bentahe ang US Team sa Europe na kinabibilangan ng anim na bagitong Ryder Cup player.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ngunit, sa papel, nakalalamang ang Europe.

Mula noong 1995, napagwagihan ng Europe ang walo sa 10 duwelo at sa kabila ng pagkakaroon ng anim na rookie, may apat na player sa grupo na bihasa at sanay na sa laban.

“At the end of the day, you don’t win the Ryder Cups with your mouth,” sabit ni Sergio Garcia.

“You win them out there on the golf course. So that’s what we’ll see, which team is the best.”

Iginiit naman ni Love na iba ang pagkakaintindi sa kanyang naging pahayag sa SiriusXM Radio.

Aniya, inilarawan lamang niya ang koponan batay sa pananaw ng isang Canadian caller sa ginagawang paghahanda ng US Team.

“And I said: ‘I would tell my team they’re the best team ever assembled. Let’s go out and show off and play and have fun,’” aniya.

Gayunman, handa umano ang US Team na makabawi sa pagkakatong ito.

“This is a great team.This is the best golf team maybe ever assembled,” aniya.

Sinabi naman ni European captain Darren Clarke na hindi pahuhuli ang kanilang koponan.

“We have the Masters champion (Danny Willet), we have The Open champion (Henrik Stenson), we have the Olympic champion (Justin Rose) and we have the FedEx champion (McIlroy). You combine that with all the experience and with all of the rest of the team and the way those guys played, I don’t really need to respond to that,” pahayag ni Clarke.

“I think I’ve got full confidence in our team.”