IBA-IBA ang reaction ng sumusubaybay sa Encantadia sa biglang paglabas ni Rodjun Cruz bilang ang lumaking si Pao Pao, ang may hawak ng ikalimang brilyante.
May mga nalungkot dahil inisip na hindi na nila mapapanood si Pao Pao (Yuan Francisco), eh, sobra nga naman silang nakyutan sa bata. Mami-miss daw nilang makita ang kakyutan at ang matatabang pisngi niya.
Marami naman ang natuwa na sa paglaki ni Pao Pao, naging macho siya, maganda ang katawan at may abs pa. Kung may gustong manatiling bata si Pao Pao, mayroon ding umaasang hindi na siya bumalik sa pagkabata.
Ang gaganda ng comments kay Rodjun na ipinarating sa pamamagitan ng Instagram (IG) nito, gaya ng, “Aba, akalain mong ikaw si Pao Pao. Ang laki ng role mo sa Encantadia. Kahanay mo na ang mga sang’gre.” May nag-comment din ng, “Congrats po napaka-sexy po pala ‘yung panglima brilyante.
Ang pinakaespesyal na comment na natanggap ni Rodjun ay ang comment ng girlfriend niyang si Dianne Medina: “Gwapo!!! Sobrang galing mo!!!” na pinasalamatan ni Rodjun.
Wala pa kaming nakakausap na taga-Encantadia, hindi pa namin masasagot ang napakaraming katanungan ng Encantadiks sa napakarami ring pagbabago sa show na kinahuhumalingan nila. (Nitz Miralles)