Isama sa amnestiya ang mga pulis at mga sundalong nahaharap sa iba’t ibang kaso kaugnay sa pagtupad sa tungkulin.

Ito ang naging rekomendasyon ni Senator Panfilo Lacson Lacson sa isang pagdinig sa Senado na dinaluhan ni Labor Secretary at government chief peace negotiator Silvestre Bello III para sa pagkakaloob ng amnestiya sa mga rebelde at militanteng grupo tungo sa pagkamit ng hinahangad na kapayapaan.

“Since there is a program for the grant of amnesty to political prisoners, perhaps we can include policemen and soldiers facing charges on account of participation in counterinsurgency operations,” hirit ni Lacson kay Bello, na kagyat na sinang-ayunan ng kalihim.

Binanggit ni Lacson na maraming pagkakataon na ang mga alagad ng batas ay kinakasuhan ng mga kalaban ng lipunan na kanilang inaresto. (Leonel M. Abasola)

Relasyon at Hiwalayan

Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na