Laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Talk N Text vs Meralco

Maaga pa ang serye at wala pang puwang ang selebsyon para sa Katropa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa ganitong panuntunan, itinataas ni Talk ‘N Text coach Jong Uichico ang Katropa sa muling pakikipagtuos sa Meralco Bolts sa Game 2 ng kanilang best-of-five seminal playoff sa PBA Governors Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Sa pangunguna nina Asian import Michael Madanly at Troy Rosario, nakuha ng Katropa ang Game 1 sa impresibong 118-95 panalo.

"It's just the first game, we haven't achieve anything yet," pahayag ni Uichico patungkol sa 1-0 bentahe ng TNT.

"We know Meralco are capable for a comeback. We can't put our guards down. It's a long way to go."

Sa panig ng Bolts, upang makabawi at maitabla ang serye, kinakailangang mag-step-up ang mga locals upang matulungan ang import na si Allen Durham.

Nagposte si Durham ng double-double 26 puntos at 21 rebound bukod sa pitong assist, ngunit tanging sina Cliff Hodge at Jared Dillinger ang lokal na tumapos na may double digit.

Bukod dito, kinakailangan din nilang magdoble ng effort sa kanilang depensa upang pigilin ang ratsada ng Katropa.

"We had a difficult time stopping their penetration. We had a difficult time stopping their three-point shooting. We have to exert extra effort on our defense," sambit ni Bolts coach Norman Black. (Marivic Awitan)