HOW true, namumrublema si Paolo Ballesteros dahil mukhang hindi siya makakadalo sa Tokyo International Film Festival na gaganapin simula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3.

Kalahok kasi ang pelikula ni Paolo na Die Beautiful na idinirek ni Jun Lana at produced naman ng Asian Future Film kaya gustong pumunta ng aktor na first time mapapasama sa isang international film festival at siyempre para makalakad sa red carpet at makabungguang siko ang ibang artista mula sa ibang bansa.

Kuwento ng aming source, baka hindi raw payagan si Paolo ng Eat Bulaga management dahil kababalik lang niya sa nasabing programa kamakailan at heto, mawawala siya ng ilang araw para sa nasabing festival.

Kung hindi kami nagkakamali ay apat na araw ang event sa Tokyo International Film Festival at planong tapusin ito ni Paolo.

Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

Baka naman kaya hindi papayagan si Paolo ng Eat Bulaga management ay dahil kabilang din ang aktor sa gagawing pelikula ni Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 kaya hindi siya puwedeng mawala nang matagal sa Pilipinas dahil nga naglalagare siya sa pelikula at sa EB.

Narinig naming dadalo si IC Mendoza na kasama rin daw sa pelikula at kung hindi makakarating si Paolo at suwertehing manalo ay ito raw ang tatanggap ng tropeo ni Pao in his behalf. (Reggee Bonoan)