NEW YORK (AP) — Tulad nang inaasahan, dumadagundong ang mga pahayag ni Irishman Conor McGregor sa Madison Square Garden nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

“Built this city. Now I’m coming to claim what’s ours,” pahayag ni McGregor sa ginanap na news conference sa Theatre para sa UFC 205 event.

Target ni McGregor na tanghaling unang fighter na hahawak ng dalawang UFC title sa isang taon. Sasabak ang pinakasikat na mixed martial arts fighter para sa lightweight championship kontra Eddie Alvarez.

Pinili ng UFC na isagawa ang UFC 200 sa Madison Square Garden sa Nobyembre 12 para patunayan ang katayuan ng promosyon sa American audience.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

“It’s an honor to be here,” sambit ni McGregor.

“I cannot wait to perform. ... The Irish love New York and I’m honored to be here.”

Kasama rin sa fight card ang laban nina welterweight champion Tyron Woodley at Stephen “Wonderboy” Thompson, gayundin ang duwelo nina strawweight champion Joanna Jedrzejczyk at Pole Karolina Kowalkiewicz.