Payag si House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na ipalabas ang umano’y tatlong sex video, sa isinasagawang imbestigasyon ng House Committee on Justice hinggil sa paglaganap sa ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).
“Well kung talagang kinakailangan dahil para ‘yun ang mag-uugnay kung talagang merong personal relationship. E kung ayaw naman ni Sen. (Leila) De Lima na mag-appear sa House of Representatives, so let the people, let the public judge kung talagang totoo ‘yung video tape na ‘yan o hindi,” ayon kay Alvarez.
Sinabi ni Alvarez na wala namang mali kung ipalabas ang video sa mismong hearing. ““Well para sa akin ano wala namang diperensya na ipanood iyan para malaman ng tao kung totoo iyan o hindi,” dagdag pa nito.
Magugunita na inihayag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na ang tatlong sex video umano ni De Lima at drayber nitong si Ronnie Dayan ay ipapalabas nito sa pagdinig sa Kamara.
Sa pamamagitan umano nito ay mababatid kung bakit malakas si Dayan at nakakolekta ng drug money sa Bilibid.
Ang sex video ay itinanggi ni De Lima. “Well, she is denying that she is the one involved in that sex video, so kung magde-deny ka aba’y humarap ka dito at sabihin mo hindi ako yan, di ba? Ngayon kung ayaw mong mag-deny e let the people judge kung talagang hindi siya ‘yun. I think fair lang naman ‘yun, di ba?,” ani Alvarez. (Charissa M. Luci)