Inalis na ng pamahalaan ang deployment ban sa overseas Filipino workers (OFWs) na may balidong kontrata para magtrabaho sa Libya, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III kahapon.
“The POEA Governing Board now allows the resumption of the processing and deployment of Filipino workers to Libya,” ani Bello, chairperson ng POEA Governing Board.
Ayon sa kalihim naglabas ang POEA ng resolusyon na nag-aalis sa pagbabawal ng pagpapadala ng mga pabalik na OFWs sa Libya kasunod ng pagbaba ng pamahalaan sa Alert Level 2 (restriction phase) mula Alert Level 4 (mandatory evacuation/repatriation) sa naturang bansa.
Nilinaw sa resolusyon na tanging mga manggagawang Pinoy na may balido at umiiral na kontrata ang pahihintulutang makaalis patungong Libya. Bawal pa rin ang bagong OFWs.
Sinuspinde ng POEA Governing Board ang pagpoproseso at pagpapadala ng manggagawang Pinoy sa Libya noong Mayo 30, 2014 dahil sa digmaan sa nasabing bansa. (Mina Navarro)