Nagbunga na rin ang “friendly interactions” sa pagitan ng China at Pilipinas na nagsimula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang dahilan para ideklara ni Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng 67th Founding Anniversary ng People’s Republic of China na ginanap sa Bonifacio Global City noong Martes ng gabi na “clouds are fading away” at sumisikat na ang araw para sa bago at magandang kabanata sa relasyon ng dalawang bansa.

Ayon kay Ambassador Zhao, natural lamang na may magkaibang pananaw at posisyon sa ilang isyu ang dalawang malayang bansa gaya ng China at Pilipinas.

Gayunman, iginiit niya na ang pinakamahalaga ay kapwa sila pursigidong maisulong ang mapayapang resolusyon sa magkakasalungat na posisyon sa pamamagitan ng magandang pag-uusap at mga negosasyon ng magkabilang panig.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“What matters most is that we seek and expand common interests by fostering and strengthening friendship and cooperation,” ani Zhao.

Sinabi rin ni Zhao na ang China at Pilipinas ay hindi lamang magkatabing bansa kundi malapit ding magkamag-anak na may mahabang kasaysayan ng magandang kalakalan.

“When looking at the map, some people would say, China and the Philippines are separated by the South China Sea,” aniya. “I would rather say that China and Philippines are connected and united by the South China Sea.” (Roy C. Mabasa)