TAKANG-TAKA ang mga nakakita kay Bimby Aquino Yap sa premiere night ng My Rebound Girl nina Alex Gonzaga at Joseph Marco sa SM Megamall Cinema 7 noong Martes ng gabi kasama ang ilang bodyguards na nasa tabi lang.

Nagtanong ang isang katoto kung sino ang ka-close ni Bimby sa cast ng My Rebound Girl at sinabi naming ang Gonzaga sisters na sina Alex at Toni at baka inimbitahan rin naman ang bagets ng producer ng pelikula na si Mother Lily Monteverde.

Nakita rin naming lumapit at bumeso si Bimby kay Mother Lily at kinandong pa siya ng lady producer.

Maya-maya ay umakyat na ang bagets sa ikatatlong hanay ng upuan at hinihintay sina Alex at Joseph na makakatabi niya.

Tsika at Intriga

Vice Ganda, pasimpleng kinumpirma breakup nina Ryan Bang, Paola Huyong?

Ang tanong ng lahat, nasaan daw si Kris Aquino at mabuti’t pinayagan niyang dumalo mag-isa sa sa premiere night ang bunso niya.

Duda namin ay inimbitahan din si Kris pero hindi nakarating dahil ang sabi sa amin ng taong malapit sa kanya ay nasa bahay (Rockwell) at nagpapahinga. Hmmm, hindi kaya tumaas na naman ang blood pressure ng Queen of All Media, Bossing DMB?

Samantala, natutuwa kami kay Bimby dahil sa kissing scene ni Joseph at ni Natalie Hart na gumaganap na ex-girlfriend niya sa pelikula ay biglang umiwas ng baling sa screen ang bagets, marahil turo ng Mommy Kris niya kapag may mga eksenang hindi pambata. Ang cute-cute pa rin ni Bimby! (Reggee Bonoan0