Nakatakdang umalis sa susunod na buwan patungong Japan ang 69 na estudyanteng Pilipino bilang MEXT scholars ng Japanese Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology ngayong taon.

Ayon sa Japanese Embassy sa Manila, ang bagong batch ng Filipino MEXT scholars ay binubo ng mga estudyante mula sa mga kategorya ng Research, Undergraduate, Teacher Training, at ang Young Leaders’ Program (YLP).

Darating ang mga estudyanteng Pinoy sa Japan bago ang simula ng pasukan sa Oktubre.

Itinatag noong 1954, ang MEXT Scholarship Program ng Japanese government ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante mula sa iba’t ibang bansa na makapag-aral sa top universities sa Japan sa isa sa mga sumusunod na kategorya: Japanese Studies, Research, eacher Training, College of Technology, Undergraduate, at Specialized Training.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 3,500 estuyanteng Pinoy ang nabigyan ng MEXT scholarships. (Roy C. Mabasa)