RAMOS, Tarlac - Isang senior citizen ang nasa likod ngayon ng malamig na rehas matapos niya umanong halayin ang isang walong taong gulang na babae sa Purok Ulimek, Barangay Poblacion South sa Ramos, Tarlac, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Francisco Taduan, 67, biyudo, ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Mary Jane Ilaya, dakong 10:00 ng umaga at naglalaro ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang tawagin siya ng suspek.

Ayon sa report, tinutukan umano ni Taduan ng patalim ang paslit at hinalay ngunit naaktuhan sila ng kapatid ng biktima at agad na nagsumbong sa kanilang mga kaanak.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Lumitaw sa follow-up investigation ng pulisya na madalas umanong abusuhin ni Taduan ang biktima kapag nagkakaroon ito ng pagkakataon, subalit dahil sa matinding takot ay hindi nagsumbong ang bata. (Leandro Alborote)