MANAGUA (PNA) – Anim na malulusog na sanggol ang isinilang sa mga ina na nahawaan ng Zika virus habang buntis sa Nicaragua, sinabi ni First Lady Rosario Murillo, nitong Martes.

Ang anim na ina ay kinapitan ng Zika virus habang nagbubuntis at ang kanilang anim na mga sanggol ay nasa maayos na kalagayan.

Ang Zika virus sa mga buntis ay iniuugnay sa pagsilang ng sanggol na mayroong microcephaly at Guillain-Barre Syndrome, ayon sa mga imbestigasyon na inilabas noong Marso 31 ng World Health Organization (WHO).

Ang Zika, dengue at chikungunya ay pawang ikinakalat ng lamok na Aedes aegypti.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina