BATANGAS CITY – Magkasamang pinagbabaril at napatay ang dalawang lalaki na umano’y nasa drug watchlist sa pulisya ng Batangas City at San Jose sa Batangas.

Kinilala ang mga biktimang sina Christian Tello, 45, pahinante ng truck ng basura; at Joey Repaso, 35 anyos.

Ayon sa report ni SPO2 Edsel Dela Cruz, dakong 7:30 ng gabi nitong Martes, nasa lumang truck ng basura ang mga biktima sa garahe ng Excellent Transport Service sa Diversion Road sa Barangay Banaba South sa Batangas City nang pagbabarilin.

Agad namang tumakas ang apat na suspek, na sakay sa motorsiklo at nakasuot ng helmet.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nakarekober ang pulisya ng mga basyo ng bala ng .45 caliber pistol at drug paraphernalia sa lugar ng krimen. (Lyka Manalo)