Setyembre 28, 1892 nang maglaro ang Mansfield State Normal School at ang Wyoming Seminary sa kauna-unahang panggabing football game sa United States, sa Smythe Park sa Mansfield, Pennsylvania.

Gumamit ng mga de-kuryenteng ilaw, tumagal lang ng 20 minuto ang 10 laro dahil hindi sapat ang lighting system para sa labanan ng dalawang koponan. Nagkasundo ang dalawang team na tapusin na ang laro sa halftime makaraang mabangga sa poste ng ilaw ang ilang manlalaro. Ang iskor? Parehong zero (0-0).

Setyembre 28, 1992 nang maglaro ang Los Angeles Raiders at Kansas City Chiefs sa Arrowhead Stadium sa Kansas City, Missouri—tinawag na “Monday Night Football”—upang ipagdiwang ang ika-100 anibersaryo ng unang panggabing football game. Nagwagi ang Chiefs, 27-7.

Mga Pagdiriwang

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando