DANANG, Vietnam – Matatag pa ang mga tuhod ng 34-anyos na si Marestella Torres-Sunang.

Napigilan ni Torres, reigning SEA Games champion, ang pagkabokya ng Team Philippines sa ikaapat na araw ng aksiyon nang makopo ang bronze medal sa women’s long jump ng Asian Beach Games dito.

Naitala ni Torres-Sunang ang layong 6.1 metro, may .01 ang diperensiya kay silver medalist Nguyen Thi Truc Mai ng Vietnam para madagdagan ang medalya ng bansa sa biennial meet.

Nagwagi si Bui Thi Thu Thao ng Vietnam sa layong 6.32 metro.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tanging si Sunang, sumabak sa kanyang ikatlong Olympics sa Rio De Janeiro nitong Agosto, ang nagwagi ng medalya sa Pinoy para mapanatili ang ikasiyam na puwesto sa overall team standings tangan ang dalawang ginto, isang silver at 10 bronze medal.

Nabigo naman ni Annie Ramirez na sundan ang kampeonato sa women’s 55 kgs. ng jiu-jitsu nang malaglag sa quarterfinal ng open division.

Umusad naman sa quarterfinal ang women’s 3x3 basketball team matapos gapiin ang Mongolia, 16-11.