JERUSALEM (AFP) - Pumanaw si Israeli ex-president at Nobel Peace Prize winner Shimon Peres noong Miyerkules habang pinapalibutan ng kanyang pamilya, sinabi ng kanyang personal doctor sa AFP, dalawang linggo matapos itong ma-stroke.
Nalagutan ng hininga ang 93-anyos na huling founding father ng Israel dakong 3:00 ng umaga (0000 GMT), ayon kay Rafi Walden, na son-in-law rin ni Peres.
Isinugod si Peres sa ospital malapit sa Tel Aviv noong Setyembre 13 nang sumama ang pakiramdam nito at ma-stroke.
Isinailalim siya sa sedation at respiratory support sa intensive care.
Si Peres ay dalawang beses na naging prime minister at naging president rin, mula 2007 hanggang 2014. Nanalo siya ng 1994 Nobel Peace Prize kasama sina prime minister Yitzhak Rabin at Palestinian leader Yasser Arafat para sa kanyang papel sa negosasyon sa Oslo Accords, tungo sa independent Palestinian state.