Makahakbang palapit tungo sa first round sweep ang tatangkain ng league leader De La Salle sa pagtatagpo ng puno’t dulo sa team standings ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament ngayon sa MOA Arena sa Pasay City.

Makakasagupa ng namumunong Green Archers (5-0) ang kulelat na University of the East (0-5) sa tampok na laro sa double header ng pamosong collegiate league sa bansa.

Huling ginapi ng Green Archers ang dating nagsosolo sa ikalawang posisyon na Adamson Falcons, 91-78 habang huling natalo ang Red Warriors sa kuko ng Ateneo Blue Eagles, 69-84.

Sa kabila ng kanilang pamamayagpag, naniniwala si La Salle coach Aldin Ayo na marami pa silang kailangang ayusin at plantsahin.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We’re good on defense but not on offense, it’s always been our draw back,” pahayag ni Ayo, naniniwalang nasa 70 hanggang 75 porsiyento pa lamang ang naipapakitang kapasidad ng La Salle.

“Buti na lang nairaraos namin ‘yung mga games. Hirap na hirap kami, even yung laban namin sa UST sa first half nahirapan kami,” aniya. (Marivic Awitan)