PANIQUI, Tarlac - Nagkaproblema nang wala sa oras ang isang pulis sa Sitio Ragsak, Barangay San Carlos sa bayang ito nang tangayin ng hindi kilalang kawatan ang kanyang .9mm Glock 17 service firearm, pera at iba pang mahahalagang dokumento.

Ang biniktima sa naturang insidente ay si PO2 Micle Manicdo, 32, may asawa, at nakatalaga sa himpilan ng Alcala Police sa Pangasinan.

Bukod sa baril, natangay din ang mga card ng pulis na kinabibilangan ng Landbank ATM card, AFPSLAI, PSSLAI identification cards at P5,000 cash.

Dakong 8:00 ng umaga nang lumabas ng bahay si Manicdo, ngunit pagbalik niya ay nakasalisi na umano ang kawatan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

(Leandro Alborote)