PBA Images 3 - Alex Cabagnot vs L.A. Tenorio

Laro Ngayon

(Smart -Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Ginebra vs San Miguel Beer (Game 2)

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Asahang mas mataas na level ang aksiyong matutunghayan sa paghaharap muli ng Ginebra San Miguel at defending champion San Miguel Beer sa Game 2 ng kanilang best-of-five semifinal series ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Naitakas ng Kings ang come-from-behind 115-108 panalo sa Game 1 na muling nagbigay ng lakas at pag-asa sa crowd na tanyag bilang ‘Barangay Ginebra’.

Nakatakda ang laban sa 7:00 ng gabi.

Nanguna si import Justin Brownlee sa panalo ng Kings sa naiskor na 39 puntos.

"It was a good win for us, but it obviously didn't win us the series," pahayag ni Ginebra coach Tim Cone.

"Game 2 is a big deal, their (San Miguel) first five is solid."

Matatandaang ipinahayag ni Cone na mas kinatatakutan niya ang Beermen kesya sa No.1 seed na Talk ‘N Text Katropa.

"It's important to get that first one to try and dictate the series, but we're definitely not content with this," aniya.

Ayon kay Beermen coach Leo Austria, nabigo sila na masustinihan ang opensa sa krusyal na sandali at kakailanganin nila ang mas matinding bigwas para mabigyan ng mas matikas na porma si reigning MVP Junemar Fajardo.

(Marivic Awitan)