DAVAO CITY – Iniimbestigahan na ng pulisya ang pagmamaslang kahapon sa isang mag-anak, kabilang ang isang 12-anyos na lalaki, sa Baracatan, Barangay Toril sa siyudad na ito, kahapon.

Natagpuang patay at may mga taga at tama ng bala ang mag-asawang Perci at Carlita Edar, gayundin ang anak nilang si John Casser.

Ayon sa ulat ng TV Patrol Southern Mindanao, ang mga suspek sa krimen ay mismong mga kaanak ng mga biktima, at pinaniniwalaang alitan sa lupa ang motibo sa pagpatay.

Nasa kostudiya na umano ng pulisya ang isa sa mga suspek, habang tinutugis na ang isa pa.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pinatay ang mag-anak na Edar habang himbing silang natutulog dakong 1:00 ng umaga.

Nabatid na nagawa pang makatakbo ni Perci sa labas ng bahay upang magpasaklolo kahit na may taga siya sa leeg, ngunit nasawi rin kalaunan.

Binaril naman si Perlita sa pisngi, habang sa leeg din ang taga kay John Casser. (AS D. OCAMPO)