Suportado ni Senator Loren Legarda ang Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga (MASA-MASID) na pormal na ilulunsad ngayong araw ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ang MASA-MASID ay isang volunteer group na itatayo sa mahigit 42,000 barangay sa bansa na ang tanging layunin ay ang mag-ulat at mag-obserba sa kapaligiran.
“Nakasalalay sa kanilang mga kamay ang tagumpay laban sa krimen, dahil imposible na hindi nila alam ang nangyayari sa kapaligiran,” ani Legarda sa pagtalakay sa budget ng DILG kahapon. (Leonel M. Abasola0