LIMANG pelikula mula sa Pilipinas ang kasali sa 29th Tokyo International Film Festival competition. Hindi pa man ipinapalabas ay nakasama na kaagad ang Die Beautiful nina Paolo Ballesteros at Gladys Reyes mula sa direksyon ni Jun Lana for Asian Future Film.
Kabilang din ang I America ni Bela Padilla na first time lumahok sa Cinemalaya Festival nitong nakaraang Agosto, mula sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal.
Pinalad ding mapili ang Birdshot na pagbibidahan nina John Arcilla at Arnold Reyes mula sa direksiyon ni Mikhail Red under World Focus.
Ikaapat ang A Lullaby to the Sorrowful Mystery o Hele sa Hiwagang Hapis nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual na idinirehe naman ni Lav Diaz mula sa Asian Omnibus Film
Ikalima ang Shiniuma - Dead Horse ni Lou Veloso mula sa direksyon ni Brillante Ma. Mendoza.
As expected, hindi naman daw umaasang mananalo ang mga nabanggit na pelikula dahil ayon mismo sa mga bida, ang mapasama lang sa ganitong klase ng festival ay malaking bagay na.
Oo naman! (REGGEE BONOAN)