UNITED NATIONS (AFP) – Isandaang prominenteng kababaihan mula sa 38 bansa ang nagpetisyon kay UN Secretary General Ban Ki-moon upang himukin siya na tuparin ang ipinangakong permanenteng wakasan ang Korean War bago bumaba sa puwesto sa Enero.
Sa liham na isinapubliko noong Martes, idiniin ng mga grupo ng scholars, journalists, activists at writers kay Ban na gamitin ang nalalabing panahon bilang pinuno ng UN ‘’[to] initiate a peace process, together with the UN Security Council president, to replace the 1953 armistice agreement with a binding peace treaty to end the Korean War.’’
Ang Korean War (1950-1953) ay nagtapos sa armistice, hindi pormal na peace treaty, kayat ang Korean peninsula ay “technically at war” sa nakalipas na 63 taon.