Isang puganteng Korean na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato na nangangasiwa sa isang telephone fraud scheme sa Maynila at bumibiktima ng marami niyang kababayan sa South Korea ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nadakip si Hang Seun Hun, 27, sa Adriatico Street sa Malate, Maynila.
Sinabi ni Morente na si Hang at tatlo pang puganteng Korean ay pawang nasa wanted list ng BI noon pang Agosto 8, 2016, at kakasuhan ng paglabag sa immigration laws dahil sa pagiging pugante at undesirable aliens.
Si Hang ay nakapiit na sa BI jail sa Bicutan, Taguig City habang dinidinig ang kanyang deportation proceedings, at ang tatlong iba pang suspek ay pinaghahanap pa.
Batay sa record, nabatid na si Hang ay overstaying na. (Mina Navarro0