jodi-copy-copy

“WHEN it rains,it pours,” kasabihang tumutukoy sa career at buhay ni Jodi Sta. Maria.

Pagkatapos niyang mapanalunan ang P1M jackpot sa Minute To Win It last week, nitong nakaraang Lunes naman ay lumabas ang nominasyon sa kanya at sa dating primetime drama na Bridges of Love sa 2016 International Emmy Awards na inihayag ng International Academy of Television Arts and Sciences.

Ang Best Actress nomination kay Jodi sa prestihiyosong Emmy Awards ay para sa kanyang role at performance as Amor Powers sa Pangako Sa’Yo. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Makikipag-compete siya with UK’s Judi Dench for Roald Dahl’s Esio Trot, Brazil’s Grazi Massafera for Verdades Secretas at Germany’s Christiane Paul for Unterm Radar.

Pasok din sa Emmy’s nomination ang Bridges of Love, na pinagbidahan nina Jericho Rosales, Paulo Avelino, at Maja Salvador, para sa telenovela category at katunggali ang entries mula Canada and Brazil.

Ang mga mananalo sa International Emmys ay ipapahayag sa November 21 sa Hilton New York Hotel.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay ang dating presidente/CEO ng ABS-CBN at ngayon ay chief content officer na si Charo Santos ang unang Pilipino na nagsilbi bilang gala chairperson sa 43rd International Emmy Awards.

Last year din naging presenter si Piolo Pascual ng Best Telenovela category sa International Emmys kasama si Karla Mosley ng The Bold and the Beautiful. (Ador Saluta)