Dalawang tauhan ng Philippine Army (PA) ang sasailalim sa court martial proceedings dahil sa pagkakasangkot sa pagnanakaw umano ng mga baril at bala para ibenta sa mga armadong grupo sa Mindanao, kabilang ang Abu Sayyaf Group (ASG).

Kinilala ni Col. Benjamin Hao, tagapagsalita ng Philippine Army, ang dalawang sundalo na sina Sergeant Jeffrey Ordonio at Technical Sergeant Santiago Caasi.

Sinabi ni Hao na batay sa pauna nilang imbestigasyon, natuklasan ang pagnanakaw umano ni Ordonio ng nasa 1,000 bala.

Setyembre 23 nang inaresto si Ordonio ng mga tauhan ng 10th Infantry Division at mga pulis sa Mawab, Compostela Valley.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dinakip naman si Caasi ng mga operatiba ng 1st Cavalry Squadron sa Camp Jacobo Zobel sa Labangan, Zamboanga del Sur, nitong Setyembre 20, matapos matuklasang nagbenta umano siya ng M-203, M-14 at M-16 rifle at mga bala.

SINDIKATONGSUPPLIER NG ASG NABUWAG

Makalipas ang ilang araw, binuwag naman kahapon ng pulisya ang isang gunrunning syndicate, na sinasabing isa sa mga nagsu-supply ng armas sa Abu Sayyaf at sa ilang political warlord sa Mindanao, makaraang salakayin ang hideout ng mga ito malapit sa Camp Crame sa Quezon City.

Agad na ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang masusing imbestigasyon sa insidente makaraang matuklasan na karamihan sa mga nakumpiskang baril mula sa grupo ni Unding Kenneth Isa ay nagmula sa arsenal ng gobyerno.

“Most of the ammos are traced back to the government arsenal… we suspect that they have a contact from the government arsenal,” sabi ni Dela Rosa. “We want to put a stop on this, if possible we put these people on a firing squad because this is a big offense, you’re giving arms to the enemy.”

Bukod kay Isa, inaresto rin sa nasabing operasyon sina Hja Risdimona Isa, Aljamer Akarab Mandih at Hurbin Alhi Sahibu.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang cache ng mga grenade launcher, mga M14 at M16 rifle, at libu-libong bala, na sa kabuuan ay tinatayang nagkakahalaga ng P6 milyon.

“Also, they have been delivering firearms and ammunition to war lords in ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao), delivering it from naila to Zamboanga then to Jolo using SUVs,” sabi ni Chief Supt. Roel Obusan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). “Based on our intelligence reports, they have been delivering the firearms using the RORO (Roll On, Roll Off). We have traced a lot of deliveries in the past.”

Ayon kay Chief Insp. Roque Merdegia, hepe ng CIDG-Anti-Transnational Crimes Unit (ACTU), nakatanggap sila ng impormasyon na nagkaroon ng direktang deal si Unding sa ilang miyembro ng ASG noong nakaraang buwan para sa pagbili ng cache ng M203 grenade launcher, mga M14 rifle, ilang sangkap sa bomba at libu-libong bala.

(FRANCIS T. WAKEFIELD at AARON B. RECUENCO)