Palabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Helen” at patungo sa direksyon ng Taiwan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Huling namataan ang bagyo sa layong 345 kilometro Hilaga-Hilagang Silangan ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hanging 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong 195 kilometro bawat oras.
Sa pagtaya ng PAGASA, kumikilos si “Helen” pa-Kanluran-Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras. Ngayong umaga, tinatayang ito ay nasa layong 585 kilometro Hilagang-Kanluran ng Basco, Batanes na labas na ng Pilipinas.
(Rommel P. Tabbad)