Naitala nina Juan Martin at Jun Miguel – apo ng namayapang boxing icon na si Gabriel “Flash” Elorde – ang impresibong panalo kontra sa karibal na Indonesian sa Manila Rotary Club “Boxing Kontra Droga” fight card nitong Linggo sa Café Lupe sa Antipolo City.
Ginapi ni Juan Martin, ang WBO Oriental lightweight champion, si Boido Simanjutak via 10-round unanimous decision kung saan nagbigay ng iskor ang mga huradong sina Silvestre Abainza ng 98-92, British judge Robert Bridges (98-92) at Greg Ortega (97-93).
Umusad ang karta ni Juan martin sa 21-1-1, tampok ang walong knockout, habang nakamit ni Boido ang ika-18 sunod na kabiguan para sa 23-41-2 karta.
Magaan din ang panalo ni Juan Miguel, ang WBO Asia Pacific junior featherweight champion, kontra Indonesian Junior Bajawa sa desisyon.