KALIBO, Aklan – Sa mundo ng sports rarampa ang kayumihan ng isa sa pinakamagandang dilag ng Kalibo sa pagsalang sa Philippine Team na sasabak sa Pencak Silat World Championship sa Indonesia.

Ipinahayag ni Cherry Regalado, tinanghal na Miss Aklan State University-Kalibo Queen, na kabilang siya sa koponan ng bansa na lalahok sa world championship sa Disyembre 2-10 sa Bali, Indonesia.

Lalaban ang 20-anyos sa artistic category ng nasabing torneo.

Ang pencat silat ay isang uri ng martial arts na popular sa rehiyon.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Maliban kay Regalado, may 20 iba pang Pinoy ang suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), ang lalahok sa quadrennial meet.

Makakalaban ng Philippine Team ang may 41 na bansa, kabilang ang powerhouse Indonesia, Jordan, Qatar, Brunei, at Vietnam.

Ito ang kauna-unahang pagsalang ni Regalado sa world championship matapos mapabilang sa national team na nagsasanay sa pangangasiwa ng PSC. (Jun N. Aguirre)