MIAMI (AP) — Kabilang si Jose Fernandez sa grupo ng refugee na tumakas sa Cuba sa pamamagitan ng bangka. Sa paglalayag sa Yucatan Channel, aksidenteng nahulog ang kanyang ina sa dagat na kaagad niyang sinaklolohan at nailigtas.

Ang kaganapan ay totoong pangyayari sa buhay ni Fernandez at ang pagbabalik-tanaw sa hirap nang kanyang pinagdaanan at pagmamahal sa ina ay nakadagdag ng hinagpis at panghihinayang sa maaga niyang pagpanaw.

Sa edad na 24, namatay ang Miami Marlins baseball superstar nang aksidenteng bumangga sa batuhan ang sinasakyang ‘speed boat’ sa karagatan ng Miami.

Wala pang pormal na pahayag sa oras ng aksidente ang imbestigador, ngunit natagpuan si Fernandez at dalawang kaibigan sa naturang ‘speed boat’ ganap na 3:00 ng umaga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“All I can do is scream in disbelief,” pahayag ni Hall of Famer Tony Perez, Marlins executive at isa ring Cuban.

“Jose won the love of all. I feel as if I had lost a son.”

Nagluluksa ang buoang major league baseball sa maagang pagpanaw ng isa sa itinuturing rising star ng sports.

“He was one of our game’s great young stars who made a dramatic impact on and off the field since his debut in 2013,” sambit ni Commissioner Rob Manfred.

“Our thoughts and prayers are with his family, the Miami Marlins organization and all of the people he touched in his life.”

Kinansela ang nakatakdang laro ng Marlins kontra Atlanta Braves nitong Linggo (Lunes sa Manila), habang umulan nang panalangin at pakikiramay mula sa tagahanga at kapwa player.

“Hands down one of my favorite guys to watch pitch! He brought nothing but intensity and passion,” pahayag ni Boston Red Sox pitcher David Price sa kanyang Twitter.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni Lorenzo Veloz ng Florida Fish and Wildlife Conservation Commission na kabilang sa tatlong bangkay na nakuha si Fernandez. Hindi pa nakikilala ang dalawang kasama nito.

“It does appear that speed was involved due to the impact and the severity of it,” pahayag ni Veloz.

Kinuha ng Marlins si Fernandez noong 2011 drafting at sa edad na 20, isinalang na siya sa major league kung saan naitala niya ang 38-17 sa loob ng apat na season. Tinanghal siyang NL’s Rookie of the Year noong 2013 at dalawang beses na napasama sa All-Star.