CAUAYAN CITY, Isabela - Patay ang isang barangay chairman dito makaraang pagbabarilin sa Maharlika Highway sa Barangay Cabaruan.

Dakong 10:00 ng umaga nitong Lunes nang paulanan ng bala ng mga armadong sakay sa asul na van si Cornelio Mamauag, chairman ng Bgy. Villa Conception, Cauayan City.

Nabatid sa report na pasakay ang biktima sa kanyang Elf nang pagbabarilin.

Dinala agad sa pagamutan ang biktima, ngunit binawian din ng buhay.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaril. (Liezle Basa Iñigo)