alden-kasama-sina-mr-duavit-at-atty-gozon-copy

MULING pumirma ng contract si Alden Richards sa GMA-7 kahapon ng umaga sa harap ng executives ng Kapuso Network sa pangunguna ni Atty. Felipe Gozon, chairman at CEO; Mr. Gilberto Duavit, chief operating officer; Mr. Felipe Yalung, chief financial officer and executive vice president; Ms. Lilibeth Rasonable, senior vice president for entertainment; Ms. Gigi Santiago-Lara, senior AVP for alternative production.

Puring-puri ni Atty. Gozon sa kanilang homegrown talent na si Alden na nagsimula sa kanila six years ago.

“Kung ano siya noon, gano’n pa rin siya hanggang ngayon,” sabi ni Atty. Gozon. “Hindi siya nagbabago.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Nagpapasalamat ako to still be part of GMA for years to come. It’s where my heart is,” sabi naman ni Alden, pagkatapos ng contract signing.

Tiyak na matatapos na ang mga haka-haka ng bashers na lilipat daw ng network si Alden. Marunong tumanaw ng utang na loob si Alden at tulad nga ng sabi niya, his heart belongs to GMA Network.

Unang sumali sa audition ng Starstruck 5 si Alden pero hindi siya pinalad na makarating man lamang sa top 40, umabot lang siya sa top 60. Gayunpaman, hindi nasayang ang kanyang pagsali sa audition, dahil nang maghanap ang GMA-7 ng makakatambal ng baguhan ding si Louise delos Reyes sa afternoon drama na Alakdana, siya ang pinag-audition for the role na naipasa siya.

Nasundan pa iyon ng ilan pang serye, like sa My Beloved with Dingdong Dantes and Marian Rivera, hanggang sa hindi na niya natapos ang drama series dahil binigyan na siya ng lead role sa One True Love as Tisoy with Louise pa rin.

Sinundan ito ng isa pang soap, ang Mundo Mo’y Akin. Nakatambal din niya si Marian Rivera sa Carmela.

Nabago ang lahat kay Alden nang pumasok siya sa Eat Bulaga at later, pinagtambal sila ng unang tinaguriang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza. Nag-click ang AlDub love team nila kahit hindi sila nag-uusap at nagkikita lamang sila sa split screen sa kalyeserye ng noontime show.

Naging paborito silang love team worldwide and nationwide, nagtala ng pinakamataas na tweet counts worldwide during their “Tamang Panahon” segment sa EB na ginanap sa Philippine Arena. Nakasama sila sa My Bebe Love nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas sa nakaraang Metro Manila Film Festival. At last May, nag-shooting sila ng kanilang first solo movie na Imagine You & Me sa Italy na isang buwang ipinalabas sa mga sinehan dito at nagkaroon ng international screening sa loob ng isang buwan.

Aminadong hindi siya mahusay na singer, pero umabot na sa 8 times Platinum ang first album niya sa GMA Records, ang Wish I May. At sa October 10, iri-release na ang second album niyang Say It Again.

Ngayon, ang dating auditionee sa Starstruck na umabot lamang sa top 60 ay isa na sa pinakamalaking artista ng GMA Network. Congratulations Alden Richards/Richard Faulkerson, Jr. (NORA CALDERON)