TRULILI kayang pinag-aawayan ng magkarelasyong aktor at aktres ang naka-one night stand ng una na aktres din na ka-loveteam ngayon ng ibang aktor?

Hindi pa naman kasi gaanong kilala ang aktres noong maka-one night stand ni Aktor kaya hindi masyadong pinag-usapan at dedma rin dati si Aktres A na karelasyon ngayon ng binata.

Kaya lang, biglang nakilala na si Aktres B na may mga project na kasama ang ka-love team nitong sikat na rin at may mga nakakaalam pala sa nangyaring one night stand, kaya tinotopak si Aktres A kapag naririnig ang pangalan ni Aktres B.

Selosang malupit pala si Aktres A na hindi lang nito masyadong ipinahahalata kasi ayaw daw ng boyfriend niya ng selosa. So The Great Pretender siya, okay lang kuning-kuning sa kanya.

Giit ni DJ Chacha: 'Ang mental health ay karapatan!'

Pero minsan ay hindi raw napigilan na ni Aktres B ang sarili kaya tumalak kay Aktor. Hayun, hindi nagkibuan ng ilang araw, kuwento ng mga taong malapit sa kanila.

Oo nga, bakit nga ba nagre-react pa si Aktres A, hindi naman na yata nagkikita ang boyfriend niya at ang naka-one night-stand nito.

“Nagkita kasi minsan sa isang event, eh, nag-hello yata sa isa’t isa (aktor at Aktres B), nakita ni Girl (Aktres B), hayun, tinopak,” say ng aming source.

Ay, hindi secured si Aktres kay Aktor, ganu’n lang ‘yun. (Reggee Bonoan)