MULANAY, Quezon – Tatlong pugot na ulo ng mga hindi pa nakikilalang biktima ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Sitio Malibago, Barangay Cambuga sa bayang ito, nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, dakong 10:00 ng umaga nang iulat ni Antonio De Villa, Jr., chairman ng Bgy. Cambuga, ang pagkakadiskubre sa tatlong pugot at hindi pa nakikilalang ulo.

Batay sa imbestigasyon, dakong 9:30 ng umaga nang natagpuan ni Melecia Rosell Aranda ang isang ulo habang patungo siya sa balon upang maligo.

Ilang oras ang nakalipas bago natagpuan naman ni Ricardo Racoma Nano ang dalawa pang ulo na nakasilid sa loob ng sako.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima at ang motibo sa pagpatay sa mga ito. (Danny J. Estacio)