Napatay ang dalawa sa apat na umano’y sangkot sa carnapping makaraang manlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ni QCPD Director Senior Supt. Guilor Lorenzo T. Eleazar, inilarawan ang unang napatay na suspek na may taas 5’7”, nasa 25-30 taong gulang, nakasuot ng asul na T-shirt, maong pants, at may tattoo na “Pangarap” sa kanang balikat, habang ang isa pang lalaki ay edad 40-45, 5’5” ang taas, naka T- shirt at maong pants.

Base sa report ni PO2 Darmo Cardenas, Jr., dakong 1:00 ng umaga nang ini-report sa Camp Karingal ng isang residente ang pagtangay ng apat na lalaki sa isang Isuzu Elf truck (RBA-718) sa Barangay Payatas.

Agad na rumesponde ang mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) at QCPD-Anti-Carnapping Unit sa kinaroroonan ng truck sa Alley Group 5 sa Area B, Payatas, at nasorpresa ang apat na suspek na naaktuhan pang bumabatak ng shabu.

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

Gayunman, sa halip na sumuko ang mga suspek ay binaril nito ang mga pulis, na mabilis na gumanti ng putok. Nasawi ang dalawa sa mga suspek habang nakatakas naman ang dalawa pa.

Nabawi sa mga suspek ang tinangay umano nilang truck, na may drug paraphernalia sa loob, isang .45 caliber pistol, isang .38 caliber revolver at mga bala. (Jun Fabon0