Maagang natuldukan ng National University ang two-game skid sa matikas na 75-68 panalo kontra University of Sto. Tomas nitong Linggo sa UAAP Season 79 basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum.

Nakopo ng Bulldogs ang ikatlong panalo sa limang laro at makisosyo sa Far Eastern University, Adamson, at Ateneo para sa ikalawang puwesto sa likod ng nangunguna at wala pang talong La Salle (5-0).

Umabot sa 25 puntos ang bentahe ng Bulldogs, ngunit natapyasan ito sa fourth period nang malimitahan sila sa anim na puntos.

“It was an ugly fourth quarter for us. For some reason, we lost our aggressiveness and we became tentative. I thought we played like playing not to lose. We had a big lead and we didn’t know how to manage it. It’s a lesson for a young team like us,” sambit ni NU coach Eric Altamirano.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakabawi si J-Jay Alejandro mula sa nakadidismayang opensa sa laro kontra Adamson noong Miyerkules nang pangunahan ang NU sa naiskor na 16 puntos.

Nag-ambag si Matt Salem sa naiskor na 14 puntos at 10 rebound.

Nanguna sa Tigers si Louie Vigil sa nakubrang 17 puntos.

Iskor:

NU (75) — Alejandro 16, Salem 14, Salim 11, Aroga 10, R. Diputado 8, Aquino 5, Mosqueda 5, Gallego 2, C. Diputado 2, Abatayo 2, Morido 0, Sinclair 0, Pate 0, Yu 0, Rangel 0.

UST (68) — Vigil 17, Sheriff 16, Lee 8, Afoakwah 7, Subido 6, Lao 5, Basibas 4, Macasaet 2, Caunan 2, Huang 1, Faundo 0, De Guzman 0, Arana 0.

Quarterscores:

27-15; 46-29; 69-49; 75-68.