YANGON (AFP) – Napilitang magpahinga sa kanyang mga tungkulin ang de facto leader ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi matapos magkasakit sa state visit nito sa ibang bansa noong Lunes.
Ang 71-anyos na Nobel Laureate ay nasuring may gastritis pagbalik nito mula sa pagbisita sa Britain at US.
“She feels weak as she did not have much time to rest during the trip. She has a stomach ache as she did not have time to have regular meals,” pahayag ng kanyang opisina, idinagdag na “[she] just needs to rest for a while”.