Setyembre 27, 1540 nang maitatag ang Society of Jesus (S.J.), isang missionary congregation ng Simbahang Katoliko para sa mga lalaki, sa Paris, France. Itinatag ito ng sundalong Espanyol na naging pari, si Ignatius de Loyola noong Agosto 1534, at siya at ang anim niyang estudyante ang mga unang Heswita. Ginawang opisyal ni Pope Paul III ang pagkakatatag nito sa Rome, Italy. Ang mga miyembro ng S.J. ay tinatawag na Heswita.
Nagsasagawa ang Society of Jesus ng evangelization at apostolic ministry sa 112 bansa sa anim na kontinente, naglilingkod sa iba’t ibang sektor, kabilang ang edukasyon, pananaliksik na intelektuwal at pagsusulong ng kultura.
Kabilang din sa mga aktibidad ng mga Heswita ang mga retreat, paglilingkod sa mga ospital at simbahan, at pagtataguyod ng katarungang panlipunan at diyalogong ecumenical.
Mahalaga ang papel ng mga Heswita sa matagumpay na pagbabalik-loob ng milyun-milyon sa mundo sa Katolisismo.