Target ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng mas malakas na partnership sa Vietnam.

Sa kanyang pagbisita sa Hanoi sa Setyembre 28 at 29, isusulong nito ang pagkakaroon ng matibay na kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa larangan ng maritime security, trade, agriculture at fisheries.

Ang Pangulo ay makikipagpulong kay Vietnam President Tran Dai Quang at iba pang government leaders. Samantala nataon ito sa ika-40 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

“It is expected that the President and the Vietnamese leaders will discuss various areas of bilateral exchanges including maritime cooperation, enhancement of law enforcement and defense cooperation, increasing two-way trade and investments, strengthening of joint cultural activities, as well heightened exchanges in agriculture and fisheries,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose sa Palace press briefing.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mag-uusap din umano ang dalawang lider hinggil sa regional at international issues, kabilang dito ang South China Sea.

Samantala asahan umano na ang pag-uusap ay sesentro pa rin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kapayapaan, seguridad at katatagan sa rehiyon. (Genalyn D. Kabiling)