Nakasentro sa pagkakaroon ng peace and order sa bansa ang P3.35 trilyon na panukalang badyet ng Malacañang para sa 2017.

Ito ang tiniyak ni Davao Rep. Karlo Alexei Nograles, chairman ng House Committee on Appropriations, nang umpisahan ang deliberasyon kahapon.

Sa pagdepensa sa House Bill 3408 o P3.35-trillion General Appropriations Bill (GAB), sinabi ni Nograles na P206.6 bilyon ang nakalaan sa public order and safety, mas mataas ng 19.3 percent sa 2016 budget.

“But what good is progress if we do not have peace? We know that we cannot attain real prosperity if peace continues to be elusive in our communities, or if our country is threatened by internal and external threats,” ani Nograles sa kanyang sponsorship speech.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang malaking bahagi ng P206.6 bilyon ay mapupunta sa Philippine National Police (PNP). “The PNP will be the government’s key player in our fight against illegal drugs and criminality,” dagdag pa ng kongresista.

Ang Defense ay tatanggap naman ng P147.8 bilyon, samantala P39.6 bilyon ang alokasyon para sa pagtaas ng sweldo ng mga pulis at sundalo.

Samantala binatikos naman nina Minority Leader Danilo Suarez at BUHAY partylist Rep. Lito Atienza ang Duterte administration na nakatuon lang umano sa paglaban sa illegal drugs at krimen, kung saan nakakaligtaan na ang iba pang problema, tulad ng trapiko.

Mabilis namang dumepensa si Nograles na nagsabing “although, the President is focused on his crusade against illegal drugs and crimes, he is on top of all programs.”

Sa panig ni Atienza, sinabi nitong bigo ang pamahalaan na dagdagan pa ang badyet ng National Housing Authority (NHA), gayung 5 milyon ang kakulangan sa pabahay. (Charissa M. Luci at Bert de Guzman)