margarita-ochoa-copy

DANANG, Vietnam – Nakamit ni Margarita 'Meggie' Ochoa ang unang gintong medalya ng Team Philippines sa 2016 Asian Beach Games nitong Linggo dito.

Ginapi ni Ochoa si Suwana Boonsorn ng Thailand sa women’s 45 kgs. ng ju-jitsu para patatagin ang kampanya ng Pilipinas na nakasikwat na nang isang silver at apat na bronze medal sa muay thai event.

Sa kasalukuyan, nasa ikapitong puwesto ang Pinoy sa likod nang nangungunang Vietnam na may 4-4-13 medal.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naunang nagapi ng 26-anyos na si Ochoa, kampeon sa nakalipas na World Jui-Jitsu Championships, si Do Thu Ha ng Vietnam sa quarterfinal bago naungusan si Dinara Jumadurdyyeva ng Turkmenistan sa semifinal.

Sa muay, nakopo nina Jonathan Polosan at Jay Harold Gregorio ang karagdagang bronze medal matapos mabigo sa kani-kanilang semifinal match.

Naunang nakamit ni Helen Dawa ang bronze sa women’s kurash -52kg division nang magapi ni Nguyen Thi Quynh ng Vietnam sa semifinal. Nagwagi siya kay Mahima Tokas ng India sa quarterfinal.