LOS ANGELES (AP) – Maglalaro sa kanyang ika-19 at posibleng huling season sa NBA si Paul Pierce at naniniwala siya na masusungkit ng Los Angeles Clippers ang unang titulo ng prangkisa.

Ipinahayag ng 10-time All-Star ang desisyon nitong Lunes (Martes sa Manila) sa The Players’ Tribune at inulit sa team’s media day. Magdiriwang ng kanyang ika-39 taon si Pierce sa Oct. 13.

“The reason for me coming back is this group,” aniya.

“This group is talented enough to win a championship. I want to come back and give it one more try and help them get over the top.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naunang ipinahayag ni Pierce na wala siyang gana para magbalik ensayo, ngunit nitong Agosto nagbalik umano ang kanyang determinasyon na tulungan ang Clippers sa inaasam na kampeonato.

Naitala niya ang averaged 6.1 puntos at 2.7 rebound sa loob ng 18.1 minutong paglalaro sa nakalipas na season.

“Last season left a bad taste in my mouth, how the season went and how I played,” pahayag ni Pierce.

“Why not give it one more shot? To win a championship here for the Los Angeles Clippers would be monumental.”

Lumaki si Pierce sa kalapit na bayan ng Inglewood at masaya siya sa paglalaro sa harap nang kanyang pamilya matapos ang matagumpay na kampanya sa East Coast para sa Boston, Brooklyn at Washington.

Sa pagreretiro ni Kevin Garnett kamakailan, si Pierc ang naiwang aktibong player na may record na 25,000 puntos, 7,500 rebound at 4,500 assist.

Naglaro siya ng 15 season sa Celtics at naging kampeon noong 2008 kasama sina Garnett at Rey Allen sa pangangasiwa ni coach Doc Rivers.

“Paul has meant a lot to me,” pahayag ni Rivers.

“When you win a title with someone you’re connected with those people the rest of your life.”