mark-bautista-copy-copy

HABANG wala pang offer ay paalis papuntang America si Mark Bautista para mag-aral ng isang buwang crash course sa music video production sa New York Film Academy.

Matagal na niyang pangarap ito kaya sasamantalahin niya ang pagkakataon na matupad habang wala pa siyang ginagawa.

Since nasa music and entertainment industry si Mark, gusto niyang ma-enhance ang kanyang talent at matutong magdirek ng music video.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Sa ngayon ay wala raw ibang inspirasyon si Mark kundi ang pagmamahal niya sa musika. Ilang taon na raw siyang loveless at ang huling girlfriend niya ay ang naging runner-up ng isang beauty contest na si Gwen Ruais.

So, wala pa siyang balak maghanap ng mapangasawa?

“Well, eh, darating din naman tayo d’yan. Ang pag-aasawa naman kasi, eh, dapat seryosong pagtuunan talaga ng pansin.

Kumbaga, dapat handang-handa ka na ‘pag pinasok mo na ang bagay na ‘yan. Sa ngayon, kasi, eh, hindi pa tayo handa.

“And one thing, eh, hindi, eh... wala pa naman talaga tayong natatagpuan na p’wedeng pakasalan,” sey ni Mark.

May balitang nililigawan niya si Rachelle Ann Go, pero itinanggi niya ito Mark. Sobrang magkakaibigan lang daw sila ni Rachel at hindi umabot sa puntong iyon.

“We’re very good friends. Masaya ako sa takbo ng career niya sa London,” lahad pa ni Mark at idinagdag na tuwing dumarating si Rachelle Ann sa Pilipinas ay nagkakaroon sila ng pagkakataon na magkita-kita kasama ang iba pang mga kaibigan nilang sina Erik Santos, Christian Bautista at iba pa. (JIMI ESCALA)