MAGTUTUNGO si Leonardo DiCaprio sa White House sa susunod na linggo.
Makikipagpulong ang Oscar winner kay President Barack Obama para talakayin ang climate change, pahayag ng White House nitong nakaraang Linggo.
Kasama rin sa pagpupulong ang climate scientist na si Dr. Katharine Hayhoe, at sesentro ang usapan sa “importance of protecting the one planet we’ve got for future generations,” na bahagi ng inaugural South by South Lawn: A White House Festival of Ideas, Art, and Action. Ang talakayan sa Oktubre 3 ay susundan ng screening ng bagong climate documentary ni DiCaprio na Before The Flood.
Matagal na naging aktibista para sa climate change si DiCaprio, 41. Ito rin ang kanyang binigyang-diin sa kanyang acceptance speech sa Academy Awards nitong unang bahagi ng taon.
“Climate change is real. It is happening right now,” aniya. “It is the most urgent threat facing our entire species, and we need to work collectively together and stop procrastinating. We need to support leaders around the world who do not speak for the big polluters or the big corporations, but who speak for all of humanity, for the indigenous people of the world, for the billions and billions of underprivileged people who will be most affected by this, for our children’s children, and for those people out there whose voices have been drowned out by the politics of greed.”
Ang South by South Lawn, ideya na sinasabing naging inspirasyon ni Obama sa kanyang pagbisita sa South by Southwest sa Austin nitong unang bahagi ng taon, ay magtatampok din ng student film festival na dadaluhan ng cast ng Stranger Things, mga interactive exhibit, at mga panel kung paano magkagagawa ng pagbabago sa bansa. (People. com)