“Sexy na, may sense of humor pa.” Ito ang pambatong kombinasyon ni Valeen Montenegro.

Noong nakaraang taon lang naging ganap na Kapuso si Valeen pero naging bida agad siya sa iba’t ibang programa ng network. Isa si Valeen sa hosts ng Sunday Pinasaya. Kabilang din siya sa sexy group na “Bubble Shakers” sa Bubble Gang.

Pero sa kabila ng pagiging abala sa showbiz, nagawa pa rin pala ni Valeen na makapagtapos ng kursong Fashion Design.

Anu-ano pa nga ba ang hindi alam ng marami tungkol kay Valeen Montenegro? Panoorin ang kuwento ng kanyang Tunay na Buhay ngayong Miyerkules (September 28) kasama si Rhea Santos, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.
Tsika at Intriga

Lakbayaw heartthrob Marco Navarra, sasabak na sa pag-aartista!