Isasara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa trapiko ang Kennon Road simula 7:00 ng umaga ngayong Martes, Setyembre 27, hanggang 7:00 ng gabi sa Lunes, Oktubre 3.

Sinabi ni DPWH-Cordillera Administrative Region Director Danilo Dequito na hindi maaaring daanan ang Kennon Road sa nasabing mga araw dahil sa ginagawang tulay sa Camp 5, partikular ang KO 235+504.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Rosario-Pugo-Baguio Road o sa Marcos Highway at Naguilian Road patungo o pabalik sa Baguio City.

Samantala, ang bahagi ng Urdaneta Junction Dagupan Road sa KM 206+325 sa Calasiao, Pangasinan ay isasara rin sa Oktubre 1-2 para sa paglulunsad ng steel girder ng overpass rehabilitation project.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Lahat ng bus at magagaang na sasakyan patungong Dagupan ay pinapayuhang kumanan habang ang mga papuntang Sta. Barbara ay maaaring kumaliwa sa Robinson’s Mall. (Mina Navarro)