jennylyn-copy-copy

HINDI na matutuloy ang tambalang Jennylyn Mercado-Coco Martin sa dapat sana’y isa sa mga pelikulang entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Kuwento ni Jennylyn, nagkaroon ng problema o conflict ang naturang project sa schedule naman ng gagawin niyang teleserye sa GMA-7. Kung hindi na-delay ang taping nila sa serye, malamang na nagkaroon siya ng panahon para tanggapin at gawin ang pangalawang pelikula sana niya sa Star Cinema.

“So nu’ng time na ‘yon, hindi namin tinanggap ‘yung movie kasi sabi ko, magso-soap ako at gusto ko namang mag-focus sa soap kasi baka mamaya, haggard-haggardan na naman ako. ‘Tapos ‘yon po, na-delay din ‘yung soap. Baka last week pa ng October ang taping namin,” kuwento ni Jen.

Mga Pagdiriwang

#BalitaExclusives: Bentahan ng ilang Divisoria seller, ‘merry’ pa rin kahit medyo lugi

Dahil wala pang go-signal sa taping ng kanyang serye, inuna muna ng aktres ang kanyang album na nag-number one daw ngayon sa iTunes.

“Nagulat nga ako kasi sabi ko parang wala pang 24 hours na nakalabas siya. Natuwa naman ako kasi kahit papaano gusto pa rin nila ‘yung OPM, di ba?” pahayag ni Jennylyn. (ADOR SALUTA)