UNITED NATIONS (Reuters) – Patuloy na nangunguna si dating Portuguese Prime Minister Antonio Guterres sa karera para maging susunod na United Nations Secretary-General matapos ang ikalimang UN Security Council secret ballot noong Lunes, sinabi ng mga diplomat.
Bumoto ang 15-miyembrong council para sa bawat nalalabing siyam na kandidato sa pinagpiliang: encourage, discourage o no opinion. Muling nakatanggap si Guterres ng 12 encourage, dalawang discourage at isang no opinion.
Si Guterres, naging prime minister ng Portugal mula 1995 hanggang 2002 at nagsilbing United Nations High Commissioner for Refugees mula Hunyo 2005 hanggang Disyembre 2015, ay nanalo rin sa unang apat na rounds ng secret balloting ng Security Council.