Bumalik sa Manila ang isang eroplano ng Philippine Airlines na patungong Haneda airport sa Tokyo makalipas ang 20 minutong paglipad kahapon nang matuklasan ng crew ang usok sa cabin.

Ligtas na lumapag ang eroplano na sakay ang 235 katao at walang iniulat na nasaktan. Agad na rumesponde ang mga bombero at rescue teams sa eroplano.

Sinabi ni PAL spokeswoman Cielo Villaluna na bumalik ang A340-300 aircraft sakay ang 222 pasahero at 13 crew members dahil sa “technical concern.”

Sinusuri na ang eroplano at inaalam kung bakit kinailangan itong bumalik. Hindi pa malinaw ang pinagmulan ng usok.

Probinsya

Coast Guard working dog, sinaluduhan sa paghanap sa isa sa mga katawan sa Binaliw landslide

Nagpatuloy naman ang biyahe ng mga pasahero nitong Lunes ng hapon sakay ng replacement flight, dagdag ni Villaluna. (AP)